PaMBiHiRa Ka PiNoY...
PAMBIHIRA...
kahit kalaban mo ay mabangis..ika'y hindi bumabagsak parang presyo ng langis..
PAMBIHIRA...
kahit na hikahos ay pinipilit..kahit ang ulam mo'y isang linggo nang iniinit..
PAMBIHIRA...
bilib ako sa 'yong pakikibaka..kahit na walang laman ang tiyan pati pitaka..
PAMBIHIRA...
kung magisip matalas matalim..kawangis mo ang rosas na sa semento nakatanim..
PAMBIHIRA...
tipid ka sa pagkai't inumin..pero sumasarap ang ulam pag merong panauhin..
PAMBIHIRA...
ang pang-uri na dapat lang gamitin... pambihira ka pinoy..
PAMBIHIRA...
sapagkat siya ay mapayapa..nagdasal sa maykapal at sa tanke ay sumagupa..
PAMBIHIRA...
sa harap ng krisis ay nakangiti..nakikipagharutan at ang lakas ng kiliti..
PAMBIHIRA...
ang galing nyo sa kusina at pagluto..maya't maya ay ngumunguya sa diyeta ay di natuto..
PAMBIHIRA...
sa bawat problema ay di natitinag..liwanag sa dilim sa bawat araw ng pagsinag..
PAMBIHIRA...
sa angkin talino mo sila ay bilib..pumapasa ka kahit ika'y hindi nakikinig..
PAMBIHIRA...
mga talento mo ay umaapaw..bumubulusok isang ganap na bulalakaw..
PAMBIHIRA...
lahat ginagawan ng paraan..kahit sa butas ng karayom pilit nyang idadaan..
PAMBIHIRA...
lahat napaniwala mo sa kwento mo..lahat ay napahanga sa lahat ng naimbento mo..
PAMBIHIRA...
sa digmaan handang mamatay..dugong nananalaytay ay handang ialay..
PAMBIHIRA...
sa husay mo lahat ay nakinabang..lahat ay natawid mo sa tulay ng kahirapan..
PAMBIHIRA...
kapag inaapi ika'y tahimik..magisang nagiisip sa isang tabi wlang imik..
PAMBIHIRA...
kahit walang-wala kinaya mo..kahit kulang ang bigay sa 'yo lahat pinagkasya mo..
PAMBIHIRA...
kahit mahirap ika'y nagsikap..na mapagaan ang nakadagan sa 'yong balikat..
PAMBIHIRA...
sa pamamagitan ng panalangin..kahit anong suliranin ay kaya mong kalabanin..
PAMBIHIRA...
talo-talo pag meron diskusyon..pero nagkakaisa pag meron rebolusyon..
PAMBIHIRA...
hindi umuurong sa mga hamon..sinasalubong kahit lagpas tao na ang alon..
PAMBIHIRA...
ang hilig sa balot At asucena..pambihira umibig kaya anak mo'y 'san dosena..
pambihira ka pinoy ... walang ibang katulad mo ...
pambihira ka pinoy ... bilib sila sa husay mo ...
pambihira ka pinoy ... ibang klase ka talaga ...
pambihira ka pinoy ... buhay moy mahalaga ...
pambihira ka pinoy ... kahit kanino sasabay ...
pambihira ka pinoy ... kapit bisig kapit kamay...
pambihira ka pinoy ... kakaiba ang iyong dating ...
pambihira ka pinoy ... walang tatalo sa galing ...
PAMBIHIRA ka PINOY !!!
